Nakabalik na sa Maynila ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) matapos ang 15 araw na misyon sa Batanes!

Sa nakalipas na dalawang linggo, sakay ng naturang barko ang Task Force Kaligtasan sa Karagatan (TF KSK) na nagkabit ng apat na navigational lantern sa Sabtang, Ivana, Mahatao, at Valanga.

Si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, at Batanes Governor Marilou Cayco mismo ang nanguna sa pag-ko-komisyon ng mga lighthouse na ito noong Biyernes, ika-09 ng Disyembre 2022.

Ayon sa Komandante, layon ng naturang inisiyatibo na itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisda at marinong naglalayag sa malawak na katubigan ng probinsya.

Para naman kay Governor Cayco, naniniwala siya na makakatulong ang mga imprastrakturang ito para mapalawak ang lokal na turismo sa Batanes.