Mahigit 100 pasahero na ang naserbisyuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa "LIBRENG SAKAY" na nagsimula noong Lunes, ika-07 ng Marso 2022!
Ngayong National Women’s Month, muling inilunsad ng Gender and Development (GAD) unit ng PCG ang “ARANGKADA: LIBRENG SAKAY PARA KAY JUANA” mula Lunes hanggang Biyernes para sa buong buwan ng Marso.
Pero liban sa mga kababaihan, bukas din ang naturang serbisyo para sa mga kalalakihan.
Ang ruta ng libreng sakay sa umaga (6:00AM – 6:30AM) at hapon (5:00PM – 5:30PM) ay mula PARAÑAQUE INTEGRATED TERMINAL EXCHANGE (PITX) papuntang MALL OF ASIA, hanggang sa makarating sa ARANETA BUS TERMINAL sa Cubao, Quezon City.
Samantala, sinisiguro naman ng mga PCG personnel na ang bawat pasahero ay nakasuot ng face mask bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.