Na-alerto ang mga operatiba ng I-ACT at Philippine Coast Guard (PCG) na sila SN2 Abenilla, ASN Astuto, at ASN Balios matapos dukutan ng cellphone ang isang babaeng pasahero habang pababa ng overpass sa EDSA Ayala Bus Station.

Mabilis itong hinabol ng tatlong operatiba kaya nahuli agad ang snatcher.

Naibalik sa biktima ang cellphone at agad na dinala sa Makati Police ang snatcher. Sinampahan ang snatcher ng kasong pagnanakaw at humarap sa inquest proceedings sa Makati City Hall.

https://www.facebook.com/100064552367260/posts/337922788369464/