Liban sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301), kakasa rin sa ikatlong bahagi ng maritime exercise sa ilalim ng Task Force Pagsasanay ang tatlong aerial asset ng Philippine Coast Guard (PCG)!

Ngayong araw, ika-18 ng Hunyo 2021, inihanda na ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang BN Islander Plane na may tail number na PCG-251 at dalawang pinakabagong airbus helicopter mula Germany, ang CGH-1451 at CGH-1452.

Kasabay nito, nagkaroon din ng final briefing ang CGAF para masigurong magiging ligtas at matagumpay ang pakikibahagi sa naturang misyon.