Base sa direktiba ni Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Art Tugade, ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Leopoldo V Laroya ang pag-de-deploy ng mga PCG ships sa Siargao Island para magamit ng mga residente at turista papuntang Surigao City.
Ganito rin ang sitwasyon sa Dinagat Islands.
Mamayang hapon, ika-19 ng Disyembre 2021, asahan ang pagdating ng BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Siargao Island para magbiyahe ng mga residente at turista para makarating sa Surigao City. Magsasagawa ito ng sunud-sunod na transport mission, hanggang kinakailangan.
Dagdag pa rito, kasalukuyang nakikipag-koordinasyon ang PCG sa malalaking shipping companies sa bansa para mag-request ng passenger vessels na maaaring magamit sa isla para sa malawakang transport mission.