Walang patid ang serbisyo ng Philippine Coast Guard (PCG) District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para maiparating ang karagdagang tulong para sa mga residente ng Dinagat Islands na kasalukuyang bumabangon sa epekto ng Bagyong #OdettePH.
Kahapon, ika-27 ng Disyembre 2021, maingat na isinakay ng mga PCG personnel sa BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) ang 2,600 FAMILY PACKS mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pagkatapos ng embarkation, agad na bumiyahe ang naturang barko mula Surigao City at nag-unload ng supplies sa Dinagat Islands bandang 05:00 p.m.
Tinanggap ito ng Emergency Operations Center ng Dinagat Islands para agad na maipamahagi sa mga apektadong pamilya.