Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang isang wing van truck na naglalaman ng 7,200 PIRASO NG UNDOCUMENTED GOOD LUMBER na nagkakahalaga ng PHP 432,000 sa Balwharteco Port, Allen, Northern Samar noong ika-03 ng Abril 2022.
Inaresto ng mga otoridad ang 33 taong gulang na driver na si Emmanuel Acoba ng Butuan City, at kanyang mga kasamahan na sina Christian Rueles (25, Bukidnon) at Jeremias Turco (48, Northern Samar).
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang isang residente ng Northern Samar na si Zetha Eleazar ang may-ari ng naturang kargamento.
Dinala sa Allen Municipal Police Station ang mga inarestong indibidwal para sa karagdagang imbestigasyon kaugnay ng kanilang paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).
Kabahagi sa naturang joint law enforcement operation ang Coast Guard K9 Field Operating Unit Eastern Visayas, Coast Guard Station Northern Samar, at Allen Municipal Police Station.
https://www.facebook.com/100075947667137/posts/139569738584614/