Kinilala ang walong operatiba ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa ipinakita nilang katapangan at katapatan sa serbisyo publiko.
Iginawad ni I-ACT Chief Charlie Del Rosario ang CERTIFICATE OF COMMENDATION kila SN2 Bryan Patricio, ASN Chad Joseph Alcantara, at ASN Reymark Francisco bilang pagkilala sa pagbigay nila ng paunang lunas sa isang babaeng pasahero na inatake sa puso sa Main Avenue Station noong ika-30 ng Marso 2022.
Ginawaran din ng pagkilala sina ASN Jan Agustin at ASN Rover Boe Apostol sa matagumpay na pagkakadakip sa isang snatcher sa Monumento Station noong ika-27 ng Pebrero 2022.
Hinangaan din ang serbisyo nila SN2 Vince Joseph Avenilla, ASN Kevin Dan Cyrill Balios, at ASN Ervin Louise Astuto na dumakip sa isang snatcher sa Ayala Station noong ika-28 ng Marso 2022.
Saludo ang buong Task Force sa inyong ipinamalas na katapangan at katapatan sa tungkulin!