Binabati ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dating President at Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Airlines (PAL) na si Mr. Jaime Bautista na itinalaga bilang susunod na Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu naniniwala siya sa lawak ng kaalaman at kakayanan ni incoming DOTr Secretary Bautista mula sa 26 na taong pagseserbisyo nito sa “flag carrier” ng bansa bilang Vice President (VP) for Finance, Chief Finance Officer (CFO), Executive VP, at President and CEO mula 1993 hanggang 2019.

“Saludo kami kay Mr. Bautista bilang susunod na Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon at naniniwala kami na lalo niyang palalawigin ang mga inisyatibo tungo sa pagpapalawak ng ating pwersa at pagsasakatuparan ng modernization program ng PCG. Makaasa ang ating incoming DOTr Secretary na nasa likod niya ang Coast Guard tungo sa pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo sa ating mga kababayan at lalong pagpapabuti ng sektor ng transportasyon para sa kapakanan ng bawat Pilipino,” ani CG Admiral Abu.

“Nagtitiwala kami kay President-elect Marcos at kanyang desisyon na italaga si Mr. Bautista bilang susunod na Transportation Chief,” pagtatapos niya.

PCG PRESS STATEMENT

ika-24 ng Hunyo 2022