Umarangkada na ang LIBRENG SAKAY ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga estudyante ngayong unang araw ng klase, ika-22 ng Agosto 2022.

Kaninang 06:00 a.m. nagsimulang magsakay ng mga pasahero ang dalawang Coast Guard buses sa Quezon City Hall. Tatahakin nila ang ruta papuntang University Belt sa EspaƱa, Maynila.

Nagsasakay din ng mga mag-aaral sa daan hangga't maluwag pa ang mga sasakyan.

Pagkarating sa University Belt, iikot naman ang mga Coast Guard buses pa-Luneta Park, bago tuluyang bumalik sa Quezon City.

Magpapatuloy ang programa hanggang 09:00 a.m.

Sa hapon, magsisimula ang Libreng Sakay mula University Belt bandang 04:00 p.m. hanggang 07:00 p.m.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, layon ng programang ito na makabawas sa gastusin ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng School Year 2022-2023.