Para masigurong laging handa ang mga first responders ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan, nakibahagi ito sa 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 𝐓𝐑𝐀𝐈N𝐈𝐍𝐆 na isinagawa sa Puerto Princesa City.
Mula PCG Nursing Service, PCG Medical Service, PCG K9 Field Operating Unit, at PCG Special Operations Group ang mga first responders na nakilahok sa naturang pagsasanay.
Naglunsad sila ng simulation exercises patungkol sa incident management system, emergency operations center, vehicular accident victim extrication, collapse structure search and rescue, at mountain search and rescue.
Kaisa rin dito ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction Management Office, City Engineers Office, Civil Aviation Authority of the Philippines, City Rescue 911, Puerto Princesa City Police Office, Bureau of Fire Protection-Special Rescue Force, at Tactical Operations Wing-West.
Layon ng inisiyatibong ito na palakasin ang 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nangunguna sa humanitarian assistance and disaster response operations para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng publiko.
𝐊𝐀𝐑𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐓𝐀𝐋𝐘𝐄:
https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=401071652163575&id=100067822296070