Lubos ang pasasalamat ng mga tindero at tindera ng Riverside Centro 10, Tuguegarao City sa serbisyo ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northeastern Luzon kahapon, ika-23 ng Agosto 2022.
Dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong #FloritaPH, kinailangang ilikas ang kanilang paninda para maiwasan ang pagkalugi dahil sa sama ng panahon.
"Maraming maraming slamat po sa rescue team ng Philippine Coast Guard sa napakalaking tulong para maisalba po ang aming mga paninda," ani Che Almendras.
"Sa mga taong nagbayanihan para lang po mapabilis ang pag-aabutan ng aming mga halaman para maikarga po agad sa trak, maraming maraming salamat po sa inyong lahat," mensahe naman ni MC Almendras.
Nagpapatuloy ang serbisyo ng PCG District Northeastern Luzon para masuportahan ang LGU sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga apektadong pamilya.