Humigit-kumulang 1,500 residente ng Malvar, Batangas ang natulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 kahapon, ika-02 Oktubre 2022.

Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang naturang inisiyatibo.

Sa pakikiisa ng PCG Auxiliary (PCGA), Chinese General Hospital, Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc., at Malvar LGU, matagumpay na naisagawa ang libreng medical consultation at dental service sa mga benepisyaryo.

Tinapos ito sa pamimigay ng family food packs na naglalaman ng bigas, delata, instant noodles, kape, at gatas.