Nagpapatuloy ang search and rescue (SAR) operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang tatlo pang nawawalang crew ng 𝐁𝐞𝐭𝐡𝐞𝐯𝐚 𝟐, isang tugboat na lumubog sa katubigan ng Golo Island, Looc, Occidental Mindoro bandang 02:30 p.m. kahapon, ika-08 ng Oktubre 2022.
Ayon sa kapitan ng tugboat na si Mr. Alfie Dangue, naglalayag sila mula South Harbor, Maynila papuntang Rio Tuba, Palawan nang may nasalubong silang malaking alon na naging dahilan ng pagbaha sa engine room. Ilang sandali pa ay tuluyang lumubog ang tugboat.
Nailigtas ng 𝐌/𝐛𝐧𝐜𝐚 𝐑𝐆 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐬 ang lima sa walong tripulante ng Betheva 2. Dinala sila ng naturang bangka sa Barangay Talaotao, Looc, Occidental Mindoro para mabigyan ng karagdagang tulong:
1. Alfie Dangue – Boat Captain
2. Jerwin Adion – Crew Member
3. Ariel Sadje – Crew Member
4. Ronel Padon – Crew Member
5. Gerald Manzano – Crew Member
Ayon kay Captain Dangue, 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐟𝐞 𝐜𝐫𝐚𝐟𝐭 ang tatlong nawawalang tripulante nang huli niyang namataan ang mga ito:
6. Joshua Brizal – Crew Member
7. Jerome Feildad – Crew Member
8. Alias Jay – Crew Member
Nagpapatuloy ang SAR operation ng PCG sa katubigan ng Occidental Mindoro para mahanap ang mga ito.