Si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, mismo ang nagsabit ng 𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓 𝐆𝐔𝐀𝐑𝐃 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐇𝐈𝐄𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐈𝐁𝐁𝐎𝐍 kay CG Petty Officer Third Class (PO3) Jean Paul Tolin ngayong umaga, ika-10 ng Oktubre 2022! 

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang katagumpayan sa 𝐆𝐮𝐧𝐧𝐞𝐫'𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐞 "𝐀" 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬 𝟎𝟑-𝟐𝟎𝟐𝟐 na isinagawa sa U.S. Coast Guard (USCG) Training Center sa Yorktown, Virginia, U.S.A. mula Hulyo hanggang Setyembre 2022.

Si CG PO3 Tolin ang itinanghal bilang 𝐭𝐨𝐩 #𝟏 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 sa pagtatala ng final grade na 𝟗𝟕.𝟏%!

Kasama niya sa naturang kurso ang 16 na estudyante ng USCG at tatlo pang international students mula sa PCG at Lebanese Navy.

Ayon kay CG Admiral Abu, sa karangalang ito, napatunayan ni CG PO3 Tolin ang galing ng mga Coast Guardians sa paghahasa sa kanilang kaalaman at kakayahan para makapagbigay ng mas kapakipakinabang na serbisyo publiko. 

Ipinahatid din ni PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Eduardo Fabricante, ang kanyang pagbati sa katagumpayang nakamit ni CG PO3 Tolin.

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐂𝐆 𝐏𝐎𝟑 𝐓𝐎𝐋𝐈𝐍!