Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Zamboanga ang isang pulang truck na naglalaman ng 𝐡𝐮𝐦𝐢𝐠𝐢𝐭-𝐤𝐮𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝟏,𝟖𝟎𝟎 𝐫𝐞𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐮𝐬𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐠𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲𝐨 sa Zamboanga City Port noong ika-09 ng Oktubre 2022.

Nang inspeksyunin ng PCG team ang naturang truck na sakay ng isang barko, nakita ang mga iligal na produkto na nakalagay sa mga styro container.

Ayon sa otoridad, aabot sa ₱𝟏,𝟐𝟓𝟖,𝟔𝟎𝟎 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 ng mga ipinuslit na sigarilyo ng operator ng truck na kinilala bilang si Mr. Khadaphy Asim.

Inihatid sa Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang produkto para sa agarang paghahain ng kaso laban kay Mr. Asim at mga mapag-aalamang kasabwat nito.

https://www.facebook.com/PCGDSWM/posts/490139663127492