Bumisita sa Philippine Coast Guard (PCG) si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ngayong araw, ika-12 ng Oktubre 2022.

Sinalubong siya ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, at iba pang opisyal ng Coast Guard.

Sa diskusyon kasama ang Kalihim, ipinresenta ni CG Admiral Abu ang mga kasalukuyang plano at programa ng organisasyon.

Kabilang dito ang patuloy na pagpapalawak ng pwersa, pagbili ng mga karagdagang asset, at pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastraktura tungo sa pagbibigay ng mas maaasahang serbisyo sa publiko.