Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force ang mga pantalan, paliparan, at iba't-ibang istasyon ng tren para maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay ngayon papalapit ang Undas 2022.

Katuwang ang mga Coast Guard Working Dogs (CGWDs), ini-inspeksyon ng mga PCG personnel ang bagahe ng mga pasahero at kargamento ng mga sasakyang pandagat.    

Panawagan ng PCG sa publiko, manatiling alerto at agad na ipagbigay-alam sa otoridad kung may mapapansing kahina-hinalang tao o bagahe para agad na maaksyunan.

𝐊𝐀𝐑𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐓𝐀𝐋𝐘𝐄:

https://www.facebook.com/100075947667137/posts/185016240706630/?sfnsn=mo