At your service ang mga Philippine Coast Guard (PCG) working dogs sa PCG District Northeastern Luzon bilang pakikiisa sa 𝐎𝐩𝐥𝐚𝐧 𝐁𝐢𝐲𝐚𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐲𝐨𝐬: 𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟐!
Ka-partner ang kani-kanilang K9 handlers, masusing ini-inspeksyon ng mga PCG working dogs ang bawat bagahe at kargamento ng mga pampasaherong barko at RoRo sa iba't-ibang pantalan sa rehiyon.
Makikita rin sila sa mga 𝐃𝐎𝐓𝐫 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐇𝐞𝐥𝐩 𝐃𝐞𝐬𝐤𝐬 para agad na maka-responde sa report patungkol sa mga kahina-hinalang bagahe, lalo na sa port passenger terminal.