Humigit-kumulang 1,000 residente ang natulungan sa MEDICAL AT DENTAL MISSION ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Cambajao, Sibuyan Island, Romblon, kahapon, ika-23 November 2022.

Katuwang ang YWAM Ships Philippines, Department of Health, at ABSCBN, namahagi rin ang PCG ng mga family pack na naglalaman ng bigas, delata, at gamot.

Nagsagawa rin ng "spiritual and therapeutic sessions" para sa mga residente, sa pangunguna ng PCG Chaplain Service at YWAM Ships Philippines.

Taos-pusong nagpasalamat ang Barangay Cambajao sa mga serbisyo at tulong na natanggap ng kanilang mga residente mula sa PCG.

Nakibahagi rin ang Coast Guard District Southern Tagalog, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa naturang inisiyatibo.