Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao si MISS LORIEMIN DIAZ na tumulong sa pagsagip sa mga mangingisda na sakay ng isang bangkang tumaob sa Zamboanga City noong ika-30 ng Nobyembre 2022.

Ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao, napag-alaman nila ang insidente matapos itong i-post ni Miss Diaz sa kanyang social media account para ipanawagan ang agarang aksyon ng PCG.

Kwento ni Miss Diaz, nalaman niya ito sa dalawang mangingisda na lumangoy mula sa tumaob na bangka papunta sa baybay-dagat.

May-ari si Miss Diaz ng isa sa mga "cottage" sa naturang lugar, kaya nasa baybay-dagat siya nang narating ito ng dalawang mangingisda na humingi ng tulong sa kanya.

Dahil dito, mabilis na nagkapaglunsad ng search and rescue (SAR) operation na naging daan sa matagumpay na pagsagip sa iba pang biktima.

"The social media responsibility shown by Ms. Diaz is a resemblance of a MODERN-DAY HERO that this generation must follow — a netizen who participates in public service by giving help to others and choosing to be part of the solution," ani PCG District Southwestern Mindanao Commander, CG Commodore Marco Antonio Gines.

Naganap ang seremoniya kasabay ng Monday morning colors ng PCG District Southwestern Mindanao kahapon, ika-12 ng Disyembre 2022.

SALUDO KAMI SA IYO, MISS DIAZ!

https://www.facebook.com/PCGDSWM/posts/541741324633992