Humigit-kumulang 200 pamilyang Dumagat ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron!

Naganap ito sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal, kahapon, ika-17 ng Disyembre 2022.

Ang bawat family pack ay naglalaman ng bigas, delata, at iba pang pagkain.

Binigyan din ng school supplies at hygiene kits ang mga kabataan.

Taos pusong nagpapasalamat ang mga Dumagat sa pamaskong handog mula sa PCGA, Coast Guard Public Affairs, Coast Guard Internal Audit, Coast Guard District NCR-Central Luzon, at Coast Guard Logistics Systems Command.

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT!