UPDATE: Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Station Zamboanga del Norte, imbis na PHP600K, humigit-kumulang PHP 340K LAMANG ANG MARKET VALUE NG HINDI DOKUMENTANDONG SIGARILYO na nakumpiska ng PCG sa Port of Dipolog kahapon, ika-09 ng Pebrero 2023.
PHP 600K ang market value ng sasakyan kung saan natagpuan ang nasabing kargamento na kinumpiska rin ng mga otoridad.
Sumatotal, umabot sa HALOS ISANG MILYONG PISO ang kabuuang halaga ng kahung-kahong hindi dokumentadong sigarilyo at sasakyan na nakumpiska ng PCG sa naturang operasyon.
Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang HUMIGIT-KUMULANG PHP 600K HALAGA NG HINDI DOKUMENTADONG SIGARILYO sa Port of Dipolog, Dipolog City, kahapon, ika-09 ng Pebrero 2023.
Ayon sa Coast Guard K9 Force, siyam na kahon na naglalaman ng halos 500 REAM NG SIGARILYO ang na-recover ng Coast Guard K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao, Coast Guard Sub-Station Dipolog, at Special Operations Unit-Dipolog sa naturang operasyon.
Habang nagsasagawa ng regular na pag-iinspeksyon sa pantalan, napansin ng mga otoridad ang mga kahina-hinalang kargamento ng isang sasakyan.
Nang makumpirma ito, agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP)-Maritime Group, at namamahala sa pantalan.
Itinurn-over ito sa BOC para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.