Tinulungan ng mga Philippine Coast Guard (PCG) medical personnel ang isang babae na biglang nanganak sa harap ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) Headquarters bandang 10PM kahapon, ika-06 ng Abril 2023.

 

Ayon kay CG ASN Mingo, humingi ng tulong ang buntis na babae kasama ang kanyang partner para maihatid sila sa pinakamalapit na ospital.

 

Ngunit biglang nakaranas ng "labor pains" ang naturang babae, hanggang sa nanganak ito sa harap ng Headquarters.

 

Mabilis na rumesponde ang CGDSEM at Medical Clinic-SEM para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina.

 

Maingat silang inihatid sa Southern Philippines Medical Center sakay ng isang Coast Guard ambulance.

 

Lubos namang nagpasalamat ang bagong panganak na babae at kanyang partner na mga residente ng Barangay Sasa, Davao City sa mabilis at maingat na pagtulong ng PCG.

 

https://www.facebook.com/cgdsem/posts/5731324716996554