Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 85 pasahero ng MV FILIPINAS CEBU na sumadsad sa Maigo Point, Lanao del Norte, bandang 6PM kahapon, ika-20 ng Abril 2023. 

Sa 85 pasahero, lima rito ang sanggol.

Agad na rumesponde ang Coast Guard SAR team kasama ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) para magsagawa ng oil spill assessment.

Siniguro ng PCG ang kaligtasan ng 85 pasahero na maingat na isinakay sa TUGBOAT FOSCON DIAMOND na ginamit sa naturang operasyon.

Ang MV FILIPINAS CEBU ng Cokaliong Shipping Lines ay isang RoRo / pampasaherong barko (2,726 GT) na bumiyahe mula Lanao del Norte papuntang Ozamiz City, Misamis Occidental.

Base sa oil spill assessment ng MEPU, negative ito sa presensya ng "oil sheen."

Sa kabila nito, naglagay pa rin ng "oil spill booms" ang PCG para masigurong hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa katubigan ang naturang insidente. 

[Progress report to follow]