Mahigpit na ipinapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang vessel safety standards para sa ligtas na paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa malawak na katubigan ng bansa.
Kahapon, ika-04 ng Hulyo 2023, nagsagawa ng Vessel Safety Enforcement Inspection (VSEI) ang Coast Guard Station Eastern Bohol sa MV Super Shuttle Ferry 5 na nakadaong sa Port of Jagna.
Siniguro ng mga Coast Guard personnel na pasado sa vessel safety standards, rules, and regulations ang naturang RoRo upang maging maayos ang biyahe ng mga pasahero, sasakyan, at kargamentong sakay nito.