Maingat na inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang halos 400 residente sa limang magkakatabing baranggay sa Catarman, Northern Samar, kasunod ng lagpas-taong tubig-baha kahapon, ika-21 ng Nobyembre 2023.
Binubuo ito ng humigit-kumulang 80 pamilya mula sa Brgy. Macagtas, Brgy. Molave, Brgy. Yakal, Brgy. Narra at Brgy. Ipil-ipil.
Liban sa Catarman, puspusan din ang evacuation at rescue operation na isinagawa ng mga PCG personnel at iba pang first responders sa mga munisipalidad ng Biri, Palapag, at San Jose, Northen Samar.
Sa mga oras na ito, nananatiling naka-standby ang mga deployable response groups ng PCG sa naturang probinsya.
Ito ay upang agarang makapagbigay ng kinakailangang serbisyo sa mga pamilyang na-trap sa kani-kanilang tahanan kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng shear line.