Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang inspeksyon sa Manila North Harbor Port ngayong araw, ika-22 ng Disyembre 2023.
Kasama dito si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, gayundin ang maayos at mabilis na operasyon ng mga sasakyang pandagat bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan.
Pinaalalahanan din nina Secretary Bautista at CG Admiral Gavan ang mga Coast Guard personnel na tutukan ang pagsasagawa ng vessel safety at pre-departure inspection upang maging ligtas ang bawat biyahe ng mga barko sa karagatan.