Umabot sa 100 mangingisda sa Bajo de Masinloc ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Naganap ito sa katatapos lang na misyon ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) na nagsimula noong ika-01 ng Pebrero 2024.

Kasabay nito, kinumusta rin ng PCG ang kalagayan ng mga mangingisda at sitwasyon ng kanilang pang-araw-araw na pagpalaot sa Bajo de Masinloc.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga mangingisda sa PCG, partikular sa pagtataguyod ng kanilang kaligtasan at seguridad sa malawak na katubigan ng Pilipinas.