Mas patitibayin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Maritime Safety sa Davao Gulf dahil sa patuloy na construction ng Samal Island-Davao Connector (SIDC) Bridge na isa sa mga big-ticket project ng pamahalaan sa Davao Region.
Sa panayam kay PCG Maritime Safety Services Commander, Vice Admiral Joseph Coyme PCG, sinabi nito na isa mga inisyatibo na ginawa ng PCG para dito ay ang pagsagawa ng Navigational Safety Forum kung saan inimbitahan nito ang mga stakeholders para malaman ang kanilang saloobin para sa ligtas na paglalayag sa Davao Gulf.
Ayon kay Vice Admiral Coyme PCG, ang isa sa rason kung bakit isinigawa ang nasabing forum ay ang pagkabangga ng isang tanker sa crane bridge ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) nitong nakaraang taon.
Layunin ng forum na makita ang kinakailangang safety measures sa paglalayag sa karagatan sa loob ng rehiyo upang hindi na maulit pa ang nasabing insidente.
Iginiit ng opisyal na dapat mabantayan ang ang kaligtasan ng paglalayag para maiwasan na rin ang pagka-antala ng proyekto.