Inilunsad na sa publiko ang librong "Live the Dream 2." Tampok dito ang inspiring na kuwento ng tatlong Pinay na nakaakyat sa summit ng Mt. Everest, mula sa panulat ng expedition leader nilang si Art Valdez.

Gumawa ng kasaysayan sina Noelle Wenceslao, Carina Dayondon, at Janet Belarmino noong 2007 nang maitala nila ang world’s first and only all-female traverse of Mt. Everest at maiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa tuktok nito.

Dumalo sa book launching and signing ang mga miyembro ng Philippine Mount Everest Expedition team, mga supporter at dating mga katrabaho nila sa Philippine Coast Guard, pamilya, media, private sector, at partners ng kanilang expedition.

Umaasa ang grupo na maipapamahagi ang libro sa mga eskuwelahan at makapagbigay-aral at inspirasyon sa kabataan.