Nakilahok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Musikalayaan 2025 sa Open Auditorium, Rizal Park, Lungsod ng Maynila, kahapon ika-5 ng Hunyo 2025.
Liban sa ating President Ferdinand R Marcos Jr., ipinahayag din ng PCG ang kanilang suporta para sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan — isang makabayang pagdiriwang sa ika-127 Araw ng Kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng sining at musika.
Nakibahagi rin sa makulay na selebrasyong ito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Marching Band, Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN), Philipine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ibat ibang Reservist Artist nang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.