Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Luneta Park, Maynila ngayong ika-12 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang pagtataas ng watawat sa Luneta Park kasama ang kanyang buong pamilya.

Sinundan ito ng parada ng mga Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas. Nagpamalas din ng husay sa pagsayaw, musika at sining ang mga bisita na nagmula pa sa iba’t ibang probinsya ng ating bansa.

Isang pagsaludo sa mga taong nasa likod ng tinatamasa nating kalayaan ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. Nagpapakita lamang ito ng patuloy na pag-usad at pagyabong ng Bagong Pilipinas na may pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino.

Mabuhay tayong lahat at mabuhay ang Bagong Pilipinas!