Bilang tugon sa patuloy na malakas na pag-ulan at banta ng pagbaha, agad na rumesponde ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Sablayan katuwang ang iba pang ahensya sa isang matagumpay na joint pre-emptive evacuation ang naisagawa sa Sitio Pandan, Barangay Claudio Salgado, Sablayan, Occidental Mindoro ngayong umaga ng 23 Hulyo 2025.
Kabuuang 28 pamilya, na binubuo ng 100 katao ang ligtas at maayos na nailikas mula sa apektadong lugar patungo sa itinakdang Sitio Pandan Evacuation Center gamit ang truck ng LGU at truck ng PNP-SAF.
Ang misyong ito ay patunay ng patuloy na tungkulin ng Coast Guard sa mga disaster response operations at ng dedikasyon nitong protektahan ang buhay ng bawat isa, lalo na sa panahon ng kalamidad.
https://www.facebook.com/share/p/16uKMiMkYV/