Gamit ang Philippine Coast Guard (PCG) rescue boat, inilikas ng mga PCG responders ang 40 residente ng Apalit, Pampanga, ngayong araw, ika-23 ng Hulyo 2025.

Katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sinuong nila ang abot-dibdib na baha sa kasagsagan ng panaka-nakang ulan.

Inihatid ang mga residente sa pinakamalapit na evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa pamahalaan.