Tuluy-tuloy po ang libreng sakay hatid ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Metro Manila upang maibsan ang hirap sa pampublikong transportasyon.

Antabayan ang mga PCG buses at iba pang sasakyan ng pamahalaan sa mga rutang Quiapo-Fairview, Quiapo-Angono, Legarda-Angono, Lawton-Alabang, at Roxas Boulevard-Sucat.

Maaasahan ang serbisyong Coast Guard, para sa bayan!