Tuluy-tuloy ang paglikas ng mga residente ng Apalit, Pampanga, kahapon, ika-24 ng Hulyo 2025.

Gamit ang Philippine Coast Guard (PCG) rescue boat, sinuyod ng mga rescuers ang buong Dreamland at Camella Subdivision upang masigurong agad na maililikas ang mga pamilyang stranded sa kanilang tahanan dahil sa walang-tigil na ulan at abot-bewang na baha.

Inihatid sila sa designated evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.