Matagumpay na Rescue Operation ng PCG sa Karagatang Sakop ng Barangay Bucana, Ternate, Cavite
Ngayong araw, bandang alas-7:00 ng umaga, matagumpay na naisagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang rescue operation sa karagatang sakop ng Barangay Bucana, Ternate, Cavite, matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa dalawang motor banca na may sakay na anim (6) na katao.
Sa pamamagitan ng maagap at propesyonal na pagresponde ng mga tauhan ng PCG, matagumpay na nailigtas ang lahat ng sakay at naiwasan ang anumang kapahamakan o mas malalang insidente sa laot.
Ang insidenteng ito ay patunay ng walang-sawang pagtupad ng PCG sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mamamayan sa karagatan.
https://www.facebook.com/share/v/1AM9AXveY2/