Matapos ang malakas na ulan noong Hulyo 24, 2025, tatlo ang naiulat na nawawala matapos magkaroon ng pagguho ng lupa sa Barangay Iruhin West, Tagaytay City.
Dahil sa pangyayari, agad na rumesponde ang Coast Guard K9 Force kasama sina CGK9 working dogs Naga, Optimus, at Itogon.
Sa pamamagitan ng positibong senyales ng mga CGK9 working dogs, matagumpay na narekober ang tatlong katawan ngayon araw, ika-25 ng Hulyo 2025 sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO).
Muli, pinatunayan ng Coast Guard K9 Force ang kahalagahan ng kanilang papel sa mga search and retrieval operations. Sa mabilis at koordinadong pagkilos, matagumpay nilang natupad ang kanilang misyon na maghatid ng serbisyo at pag-asa sa gitna ng trahedya. Isa itong patunay ng dedikasyon at kahusayan ng organisasyon sa pagtugon sa mga sakuna.