Patuloy ang pakikiisa ng Philippine Coast Guard sa mga inisyatibong makatao at pagtugon sa mga nangangailangan sa isinagawang relief operation sa Bayan ng Buenavista, Quezon noong ika-25 ng Hulyo 2025.

Ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Guinayangan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development, lokal na pamahalaan ng Buenavista, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Buenavista, matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 385 relief packs sa mga mangingisda at lokal na residente ng mga sumusunod na barangay:

Brgy. Sabang Perez – 100 relief packs

Brgy. Hagonghong – 95 relief packs

Brgy. Ibabang Wasay – 70 relief packs

Brgy. Bukal – 120 relief packs

Ang operasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga komunidad na apektado ng mga sakuna o krisis, lalo na ang mga nasa baybaying-dagat.

https://www.facebook.com/share/p/1ah9ijawmw/