Patuloy ang serbisyo publiko ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa ligtas at mabilis na repatriation ng mga OFW sa kasagsagan ng pandemiya.

Noong ika-30 ng Nobyembre 2020, umabot na sa kalahating milyong OFW ang sumailalim sa swab sample collection sa tulong ng mga PCG medical personnel sa NAIA.

Isa ito sa mga health protocol na isinasagawa bago ang mandatory quarantine habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test mula sa Philippine Red Cross (PRC).

Sa oras na mag-negatibo sa COVID-19, kaagapay rin ang mga PCG personnel sa pag-check-out ng mga OFW sa quarantine hotel / isolation facility, bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang tahanan.