Umabot sa 839 na Philippine Coast Guard (PCG) trainee sa ilalim ng Coast Guardsman's Course (CGMC) Class 76 – 2019 ang sabay-sabay na nakapagtapos sa mahigit isang taong pagsasanay sa PCG Regional Training Center sa Hinoba-an, Negros Occidental noong ika-01 ng Pebrero 2021.

Sa unang bahagi ng kurso, inihanda ang isip at pangangatawan ng mga trainee sa pamamagitan ng military exercise at drill. Isinailalim din sila sa mga diskusyon patungkol sa basic soldiery, customs, at tradisyon ng PCG.

Sinundan naman ito ng kalahating taong pagsasanay sa pagpapapatupad ng mandato ng serbisyo, partikular sa maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.

Agad na idedeploy ang mga miyembro ng CGMC Class 76 – 2019 para makatulong sa COVID-19 response at iba pang inisiyatibo ng PCG bilang paglilingkod sa sambayanang Pilipino.