Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kababaihan ngayong National Women’s Month, nagbibigay ng LIBRENG SAKAY ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga female PCG personnel at iba pang kababaihan MULA LUNES HANGGANG BIYERNES sa buong buwan ng MARSO 2021.
Nagsimula ito kahapon, ika-08 ng Marso 2021.
Ang ruta ng libreng sakay sa umaga, 6AM hanggang 7AM, ay mula PARAÑAQUE INTEGRATED TERMINAL EXCHANGE (PITX) papuntang MALL OF ASIA (MOA), hanggang sa makarating sa ANDA CIRCLE.
Sa hapon, 5:30PM naman ang simula ng biyahe mula Port Area, partikular sa PCG National Headquarters, papuntang MOA at PITX.
Ang huling schedule ng biyahe ay 6PM hanggang 6:30PM mula Anda Circle papuntang MOA at PITX.
Mahigpit na ipinapatupad ang minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ang pagpapanatili ng distansya sa loob ng sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasahero sa kasagsagan ng pandemya.