Sinimulan ng Task Group RT-PCR (TG RT-PCR) ng Philippine Coast Guard  (PCG) Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (TF-BROF) ngayong unang araw ng 2022 sa kanilang Operations Center sa Pasay City, ang paghahanda para sa pag-swab ng 2,504 na OFWs sa iba’t ibang quarantine facilities.

Dakong alas-sais ng umaga ngayong araw, ika-01 ng Enero 2022, binisita at ipinaabot ni CG RADM Rolando Lizor N Punzalan Jr, Commander ng TF-BROF, ang taos pusong pasasalamat nina Secretary of Transportation (SOTr) Arthur P Tugade, One-Stop-Shop for the Management of Repatriating Overseas Filipinos (OSS-MROF) Head, USEC Raul L Del Rosario at PCG Commandant, CG ADM Leopoldo V Laroya sa kanilang walang humpay na dedikasyon sa tuluy-tuloy na pag-swab ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kasabay ito ng kanyang pag-iinspeksyon sa kahandaan ng tropa at pagbibigay ng karagdagang swab test kits para sa nagpapatuloy na operasyon.

Ipinaabot din niya ang pagbati ng pamunuan ng DOTr at ng PCG ng manigong bagong taon sa kanilang lahat at inihandog ang ilang kahon ng bibingka para sa kanila.

Mabuhay ang Task Group RT-PCR at ang buong pwersa ng PCG TF-BROF!