Sa kabila ng panaka-nakang ulan, hindi nagpatinag ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa pagsasagawa ng relief transport mission para sa agarang pagbangon ng mga pamilyang nasalanta ng Bagyong #OdettePH.
Sa mga kuhang ito, makikita ang pagtutulungan ng PCG District Central Visayas at BRP Malabrigo (MRRV-4402) sa paghatid ng donasyon para sa mga residente ng Negros Oriental.
Ang naturang donasyon mula sa Office of Civil Defense (OCD) ay kinabibilangan ng 30,000 piraso ng sand bag, 200 piraso ng emergency shelter, 66 kahon ng family pack, 700 kahon ng hygiene kit, 750 kahon ng disposable face mask, 10 kahon ng reusable face mask, 400 piraso ng face shield, at 400 piraso ng malong.
Mabilis namang naipamahagi ang naturang donasyon sa pakikiisa ng Dumaguete Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).