Sa kabila ng tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan, hindi nagpatinag ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ng BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) at Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) para masiguro ang MABILIS NA PAGHATID NG KARAGDAGANG RELIEF SUPPLIES sa Siargao Island.

Sa videong ito, makikita ang WALANG PATID NA PAGSESERBISYO ng mga PCG personnel para makarating ang panibagong batch ng DSWD family packs mula Surigao del Norte papuntang Siargao Island noong ika-02 hanggang ika-03 ng Enero 2022.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,600 DSWD FAMILY PACKS ang naibiyahe ng BRP Cape San Agustin (MRRV-4408). Dagdag pa rito ang kahung-kahong purified drinking water, malinis na damit, flashlight, at construction materials na agad naipamahagi sa mga residente ng isla.

Ang nagpapatuloy na relief transport mission ng PCG, sa pangunguna ng Task Force Kalinga, ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para sa mabilis na rehabilitasyon ng mga probinsyang nasalanta ng nagdaang bagyo.