Pinangunahan ni Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Art Tugade ang panunumpa ng isang promoted ‘Vice Admiral’, siyam na newly promoted ‘Commodore’, at dalawang newly promoted ‘Captain’ ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw, ika-03 ng Pebrero 2022.
Sa pakikiisa sa naturang seremonya, ipinahatid ng Kalihim ang kanyang pagbati at taus-pusong mensahe sa mga promotees na kinabibilangan nila:
1. CG Vice Admiral Rolando Lizor N Punzalan Jr
2. CG Commodore Rommel A Supangan
3. CG Commodore Marco Antonio P Gines
4. CG Commodore Vivien Jane E Cay
5. CG Commodore Eduardo P De Luna Jr
6. CG Commodore Glenda T Pereyra
7. CG Commodore Marifem U Isaac
8. CG Commodore Philipps Y Soria
9. CG Commodore Angel Z Viliran
10. CG Commodore Rodolfo S Ingel Jr
11. CG Captain Perlita P Cinco
12. CG Captain Nelson Jay T Timbang
“Sa inyong lahat, this is a day of COMMITMENT – you commit yourselves to the mandates of the PCG. This is a day of REDEDICATION – you rededicate yourselves to the Filipino nation and the Philippine flag. This is a day of CONSECRATION – kung saan ibinibigay ninyo ang buong katauhan ninyo sa Puong Maykapal,” ani Secretary Tugade.
Sa selebrasyong ito, hinimok ng Kalihim ang mga promotees na kilalanin ang sakripisyo at pasalamatan ang kanilang mga mahal sa buhay na sumusuporta sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.
“Huwag nating kalimutan ang ating mga mahal sa buhay – ang ating asawa at mahal na pamilya na nag-i-inspire at tumutulong sa atin habang wala tayo sa bahay. Kung mayroon tayong pasasalamatan, dapat bitbit natin sa selebrasyon ang ating mga pamilya dahil kung wala sila, wala kayo. Kung wala sila, wala tayo,” mensahe ng Kalihim.
Samantala, nanumpa rin sa harap ng Kalihim ang mga officers at members ng PCG Promotion and Admin Boards CY 2022.
Bilang pagtatapos, kinilala ni Secretary Tugade ang epektibong pamumuno ni PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo V Laroya at muling ibinahagi ang kanyang pagmamahal sa PCG.
“I extend my sincere gratitude to Commandant, Admiral Laroya. Sa maikling pagkakataon, hindi matatawaran ang aking pagkamangha at pagkilala sa iyong kakayahan,” ani Secretary Tugade.
“The PCG has been very close to my heart from the time I assume the position of Secretary of Transportation. Nakita ko ang paglago ng inyong hanay at pamamayagpag ng inyong pasilidad. I take pride to be identified with the PCG,” pagbabahagi ng Kalihim na isa sa mga aktibong miyembro ng PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron at may ranggong ‘Auxiliary Vice Admiral’.
[Photos by: CG PO2 Dandy V Quiacos, CG SN2 Daniel Domingo, CG SN2 Christopher Emmanuel Ojales, CG SN2 John Russell M Santos, CG ASN Archel P Albania, and CG ASN Reymond M Sumer of the Coast Guard Public Affairs]