MENU

Humigit-kumulang 1,800 pamilya ang inaasahang matutulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang relief operation kasunod ng muling pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Kaninang umaga, ika-09 ng Abril 2022, inihatid ng Coast Guard Public Affairs (CGPA), Coast Guard Internal Audit (CGIA), at Coast Guard District Southern Tagalog sa LGU ng Laurel, Batangas ang mahigit 300 sako ng bigas, 60 kahon ng instant noodles, at 50 kahon ng canned goods mula sa PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron.

Tinanggap ito ni Miss Aileen Monta na kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Laurel, Batangas para agad na ma-repack at maipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Most Read