Naikabit na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ikaapat na navigational lantern sa Batanes noong ika-02 ng Disyembre 2022!
Isinagawa ito sa Ivana Lighthouse na nagsisilbi rin bilang "tourist attraction" sa probinsya.Β
Sa ika-09 ng Disyembre 2022, magkakaroon ng CEREMONIAL LIGHTING ng apat na navigational lantern na ikinabit ng PCG sa Sabtang, Mahatao, Valanga, at Ivana.
Tungo ito sa pagtataguyod ng seguridad at kaligtasan ng mga bangka at barko na naglalayag sa katubigan ng Batanes.