Hatid ng SAKAY NA info portal ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pinakabagong kaganapan sa transportation sector ng bansa.
Tampok sa episode ngayon ang matagumpay na pagsasaayos at pagkabit ng navigational lanterns ng Philippine Coast Guard (PCG) sa apat (4) na lighthouses sa ibaβt ibang isla ng Batanesβang Sabtang, Mahatao, Valanga, at Ivana.
Kaabang-abang din ang inaasahang pagpapatayo ng bagong Training Center at Response Base ng PCG sa Occidental Mindoro, matapos maghain ng resolution si Congressman Leody Tarriela para rito. Ito ay karagdagan sa kasalukuyang limang (5) training center ng PCG.
Para naman sa kaganapan pang-himpapawid, naka-hightened alert ang 42 commercial airports na nasa ilalim ng pangagasiwa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), para sa inaasahang pagdagsa ng mga mananakay ngayong kapaskuhan.
Dagdag pa dβyan, hatid din ng info portal ang binubuong six-year transport plan ng Kagawaran, para sa much-improved transport system sa bansa na makapagbibigay ng comfort at convenience sa ating commuting public.
Halinaβt samahan nβyo kami!